-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sinampahan na ng kasong double murder ang dating Area Manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) XI matapus binaril at napatay nito ang kanyang live in partner at ang kanilang katulong.

Tinangka pa umano ng suspect na tumakas matapus ang krimen pero kaagad itong nahuli ng mga police na iilang metro lamang ang layo mula sa crime scene.

Kinilala ang suspect na si Frederick Gerona San Felix, 70 years old, dating Area Manager ng (CAAP) XI at nakatira sa Blk 11 Lot 37&39, Susana Homes, Baliok, Davao City. Habang ang mga biktima naman ay nakilalang sila Zindy Flores Floreindo at Catherine Langgam, 25-anyos parehong nakatira sa nasabing address.

Inihayag ni Baliok Police Station Commander Police major Romero Mapanao Jr, crime of passion ang motibo ng krimen at ilang beses nang nagkaharap sa kanilang barangay ang suspect at ang biktima dahil palagi na lamang itong nag-aaway dahil sa selos.

Sa kanilang imbestigasyon inihayag ni San Felix na inamin mismo ng kanyang live in partner na may iba na itong lalaki at kaya umano nitong ewanan siya na siyang dahilan ng kanilang palagihang pag-aaway na nauwi sa paghaharap nila sa barangay.

Ang suspect at ang biktima ay mayroong dalawang anak na may edad na walo at anim na taong gulang.

Dagdag pa ni Major Mapanao na binaril ng suspect ang kanyang live-in partner at ang katulong nito sa harap mismo ng kanilang bahay kung saan nasaksihan din ito ng kanilang dalawang mga anak. Narekober ng mga otoridad mula sa crime scene ang Gloc .40caliber pistol, magazine at dalawang slug.