-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Arestado ang nasa 10 indibidwal matapos masangkot sa illegal tapping sa kuryente o pag-jumper.

Resulta ito ng dalawang araw na crackdown ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) laban sa illegal users ng elektrisidad.

Inihayag ni APEC Corporate Communications Officer Lesley Capus sa Bombo Radyo Legazpi na kabilang sa mga nahuli ang isang opisyal ng lokal na pamahalaan at restaurant na pag-aarii ng isang dating artista sa first district.

Hindi na muna pinangalanan ng korporasyon ang mga sangkot dahil nagpapatuloy pa ang pormal na kaso laban sa mga violators.

Ayon kay Capus, mga lehitimong consumers ang mga violators subalit sangkot sa pag-jumper upang makatipid sa maling pamamaraan.

Bibigyan ang mga ito ng 15 araw na grace period upang mabayaran ang civil liability subalit siniguro ni Capus na patuloy ang criminal liability na isasampa sa mga ito.

Sa inisyal na computation ng APEC, mahigit P300,000 ang backbilling na sinisingil ng power supplier bilang settlement sa dalawang taon na iligal na pagkabit ng kuryente.

Maliban sa naturang mga indibidwal, aabot sa 200 ang iba pang nahuli na sangkot sa naturang iligalidad.