-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isinuko ng dating opisyal mula sa binuwag na Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang mga matataas na uri ng armas sa militar at pulisya sa lalawigan ng Maguindanao

Mismong si dating Maguindanao 2nd district Assemblyman Sidik Amiril ang nag-abot ng mga isinukong armas sa tropa ng Ist Mechanized Brigade Philippine Army at pulisya.

Ang mga baril ay nagmula sa apat na barangay ng bayan ng Talitay, Maguindanao.

Pormal namang tinanggap ni Ist Mechanized Brigade commander Col. Pedro Balisi ang mga isinukong armas.

Sinabi ni Amiril na ang pagsuko nila ng siyam na armas ay bahagi ng kanilang suporta sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra loose firearms.

Nanawagan naman si 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander M/Gen. Juvymax Uy sa ilang mga residente at lokal na mga opisyal na may hawak na mga loose firearms na isuko na ito sa mga otoridad.