-- Advertisements --
Nilinaw ng state weather bureau na hindi na makakaapekto sa bansa at hindi na rin babalik ang bagyong nabuo sa West Philippine Sea.
Ito rin kasi ang dating bagyong Querubin na naging low pressure area (LPA) at kalaunan ay naging bagyo uli.
Huli itong namataan sa labas ng Philippinew area of responsibility (PAR) o sa layong 620 km sa katimugan ng Kalayaan Island, Palawan.
May taaglay itong lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang silangan sa bilis na 20 kph.
Samantala, shear line naman ang nakakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.
Habang amihan ang nagdadala ng kaulapan at malamig na hangin sa iba pang parte ng Luzon.