LOS ANGELES – Naniniwala si Hall of Famer trainer Freddie Roach na wala na sa dating bangis ng undefeated American boxer na si Keith “One Time” Thurman matapos halos dalawang taon na pahinga.
Ginawa ni Roach ang pahayag habang nasa matinding paghahanda Sen. Manny Pacquiao sa laban sa July 21.
Ayon sa batikang trainer hindi na siya bilib sa lakas ni Thurman.
Kung maaalala noong buwan lamang ng Enero bumalik sa ring si Thurman matapos magpahinga ng 22 buwan dahil sa injury sa siko at kamay.
Matagumpay namang nadepensahan ni “One Time” ang kanyang WBA super world welterweight belt pero lubha siyang pinahirapan ng matikas din na si Josesito Lopez.
Ilang beses nayanig ni Lopez si Thurman bago nagawang makabalik sa porma ang kampeon at ipagpag ang kalawang sa katawan para itakas ang major decision na panalo.
Naniniwala naman si Roach na wala na sa dating bangis ang American boxer matapos ang halos dalawang taon na pahinga.
Nangantiyaw pa si Roach sa naging panayam ng boxingscene.com matapos na mapanood sa video ang mga dating laban ni Thurman.
Ani ni Roach sa, “I mean, he was terrible. He didn’t do well at all. But if you look at each of his last three fights, he’s faded in each one. I’m not sure if it’s the biceps injury or whatever they’re crying about, but he hasn’t looked good in the three fights that I’ve seen and I do have his last seven fights on tape.â€
Ito na ang pinakamalaking hamon sa karera ng 30-anyos na undefeated kung saan may malaking tiyansa itong maaaring maibalik ang nawalang kislap ng kanyang natahimik na career.
Habang ang 40-anyos na si Pacquiao ay gustong patunayan na kaya pa niyang sumabay sa mga mas batang boksingero at sundan ang dalawang dikit na panalo mula kina Lucas Matthysse at Adrien Broner.
Kumpiyansa din si Roach na uuwing panalo ang kanyang alaga dahil na rin sa ipinapakita nitong disiplina at aggression sa training.
Pinuri rin ni Roach ang impresibong “work ethic” ng fighting senator, matapos ipamalas ni Pacman ng kakaibang bilis at stamina habang nag-e-ensayo.
Matataandaang nitong nakaraang mga linggo ay patuloy ang tirada ni Thurman kay Pacquaio at nangako pa itong siya ang tatapos sa karera ni PacMan.
Sambit pa ng Amerikanong boxer, ihahalintulad niya si Pacquiao sa bibliya at handa siyang “i-crucify” ito.
Ayon naman sa senador ay hindi ito apektado sa trash-talking ni ginawa ni Thurman.
“My response to him is we’ll see. He is giving me more motivation and determination to work hard and prove that it’s not true,” sambit ni Pacquiao.
Sinabi na rin ng mga nakapaligid sa kampo ni Pacquiao na hindi raw natuwa ang eight-division world champion sa ginagawang pasaring sa kanya, na dahilan tuloy para mas maging ganado ito sa ensayo.
Dahil naman sa kakaibang gigil na ipinapakita ni Pacman sa sparring kaya napilitang gumamit ng protective paddings si Roach para maprotektahan ang matatalim na suntok ni Pacquiao.
“I was really happy I brought my padding back.”