BACOLOD CITY – Matagumpay na nakapagtapos ang pinakaunang batch na sumabak sa Basic Training Course on Civil Relations Service ng Philippine Coast Guard na nagsimula noong Mayo 20 at natapos Disyembre 1, 2020.
Ang graduation ceremony ay pinangunahan ni Deputy Commandant for Operations Vice Admiral Leopoldo V. Laroya na isinagawa sa Coast Guard Base Taguig noong Martes.
Binati ni Laroya ang mga nakapasa sa Coast Guard Civil Relations Service Basic Training Course Class 01-2020 na kinabibilangan ng limang estudyante mula sa Coast Guard Officer’s Course (CGOC) Class 24-2019 at 16 na estudyante mula sa Coast Guard Officer’s Course (CGOC) Class 25-2020.
Sa 21 na mga Junior Coast Guard officers na nakatapos, nanguna rito si Probationary Ensign Frances Doren Balboa ng CGOC Class 25-2020 bilang top student na nakakuha ng general weighted average na 95.58%.
Si Probationary Ensign Frances Doren Balboa ay dating Patrol Reporter sa Bombo Radyo Bacolod sa loob ng mahigit anim na taon.