CENTRAL MINDANAO-Rido o personal na alitan ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril patay sa isang myembro ng kilalang angkan sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang nasawi na si Datu Jamael Sinsuat Sr,dating Brgy Kapitan ng Brgy Dalican Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya na palabas ng mosque ang biktima at pasakay na ng kanyang sasakyan ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek.
Maliban kay Sinsuat may ilang nasugatan rin sa nangyaring pamamaril.
Si Sinsuat ay tumakbong alkalde sa nakalipas na eleksyon sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ng MILF sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao ngunit hindi pinalad.
Mariin namang kinondena ni Datu Odin Sinsuat Mayor Datu Lester Sinsuat ang pamamaril patay sa kanyang tiyuhin.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP sa naturang pangyayari.