Mahigit anim na buwan makaraang mapatay ang radio commentator na si Percival Mabasa o may kilala sa screen name na Percy Lapid, unti-unti ng mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mamamahayag.
Nagpahayag na kasi ng pagnanais na sumuko ang itinuturong utak umano sa pamamaril patay kay Lapid walang iba kundi si dating Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.
Matapos ang ilang buwan na pagtatago sa mga awtoridad at publiko handa na raw itong harapin ang kasong inihain laban sa kanya.
Si Bantag ay nanungkulan sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at kalaunay napatalsik sa pwesto ng masangkot ito sa kaso ng pagpatay kay Lapid.
Una nang iginiit ni Bantag na matagal na umanong plano na patalsikin siya sa pwesto bago pa man napatay ang radio commentator.
Ang balitang ito tungkol sa planong pagsuko ni Bantag ay kinumpirma mismo ng Department of Justice.
Sa isang ambush interview, ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nakipag-usap aniya si Bantag sa isa sa kasamahan niya sa gabinete at nagpahayag nga ito ng kagustuhang sumuko.
Ayon sa kalihim, hindi nila minamadali ang proseso ng batas bagamat kinakailangan din na maihain ang warrant of arrest para kay Bantag.
Sinabi naman ng kanyang legal counsel na si Atty. Rocky Balisong, hindi siya nabigyan ng abiso ng kanyang kliyenteng si Bantag tungkol sa umano’y pagtawag nito sa isang miyembro ng gabinete.
Samantala, sinabi naman ni Remulla na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapakita ng interes na sumuko ang dating BuCor Deputy Officer ni Bantag na si Ricardo Zulueta.
Ipinaliwanag rin ng kalihim na awtomatikong inilalabas ang hold departure order kapag ang korte ay naglabas ng Warrant of Arrest.
Magugunitang ipinag utos ng Korte sa Muntinlupa at Las PiƱas ang pagdakip kay Bantag at Zulueta dahil sa pagkakasangkot umano ng dalawa sa pagkamatay ni Lapid at sa tumayong Middleman man na si Jun Villamor.
Si Lapid ay binaril patay noong Oktubre 3, taong 2022 habang pinatay rin sa pamamagitan ng pagsuklob ng plastic sa ulo si Jun Villamor sa loob ng New Bilibid Prison.
Pinaslang si Villamor ilang oras matapos ikanta ng Self-confessed gunman na si Joel Escorial ang kanyang pangalan.