-- Advertisements --

Naniniwala si dating Cabinet Secretary Atty. Melvin Matibag na humingi ng advice si VP Sara Duterte kay VP Leni noong nagkausap ang dalawa sa Naga City.

Ayon kay Matibag na dating humawak sa Cabinet Secretary position noong papatapos na ang Duterte administration, maaaring humingi si VP Sara ng ilang advice mula kay Leni ukol sa kung paano umasta bilang pangalawang pangulo.

Katwiran ng abogado, mas mababa pa ang budget noon ng tanggapan ni VP Leni ngunit nakayang itawid ng kanyang opisina ang mga programa nito.

Naniniwala rin ang dating Duterte appointee na hindi lamang personal ang pinag-usapan ng dalawa dahil sa umabot pa sa isang oras ang kanilang pag-uusap.

Gayonpaman, tanging ang dalawa lamang aniya ang makakasagot kung ano pang topiko ang pinag-usapan.

Nitong nakalipas na Biyernes, Sept 13 nang binisita ni VP Sara ang sinundang pangalawang pangulo. Bagaman marami ang naintriga ukol sa naging paksa ng usapan, sinabi ni Robredo na pawang personal lamang ang naging usapan ng dalawa.