CEBU CITY – Pumanaw na ang dating gobernador ng Cebu na si Emilio “Lito” Osmeña sa edad na 82.
Ito ang kinumpirma ng kanyang anak na si Mariano “Mimo” Osmeña sa pamamagitan ng kanyang post sa Facebook na may caption na may “So long Dad! You will always be part of us. Thank you is not enough!”
Wala namang ibinigay na detalye ang pamilyang Osmeña sa sanhi ng kamatayan ng dating opisyal.
Si Osmeña ay naging gobernador ng lalawigan ng Cebu noong 1988 hanggang 1992.
Siya rin ang nagtatag ng partido na Probinsya Muna Development Initiatives o PROMDI.
Sa panahon ng Martial Law noong dekada ’70 naging isang political prisoner sa Fort Bonifacio si Osmeña bago ang house arrest.
Pagkatapos ng pamahalaan Marcos, natalo ito sa pagka-bise presidente sa ilalim ng presidential candidate noon at na si former President Fidel V. Ramos.
Bagama’t natalo, ito ay naging economic adviser ni Ramos.
Si Osmeña din ang utak sa likod ng “Ceboom” o ang panahon ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng Cebu kung saan ang mga tanyag na proyekto nito ay ang transcentral highway, ang Cebu Business Park, at ilang mga BPOs.