-- Advertisements --
Napatunayang guilty sa two counts of contempt in cogress ng mga hurado sa US si dating strategist Steve Bannon.
Ang 68-anyos na si Bannon ay nadiin noong nakaraang taon dahil sa hindi nito pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng US congress sa naganap na Capitol Riot noong Enero 6, 2021.
Paliwanag nito na hindi na siya ang chief strategist ni dating US President Donald Trump bago mangyari ang insurection.
Itinakda naman sa Oktubre 21 ang paghatol ng korte kay Bannon.