-- Advertisements --
Ikinasal na ang dating child actress na si Krystal Reyes sa kaniyang non-showbiz na nobyo na si Lawrence dela Cruz.
Sa social media account nito ay ibinahagi ang larawan ng kanilang pag-iisang dibdib na ginanap sa Saint Gabriel the Archangel Parish Church sa lungsod ng Caloocan nitong Pebrero 11.
Ilan sa mga dumalo ay ang mga kaanak ng dalawa at mga malalapit na kaibigan.
Magugunitang noong Marso ng nakaraang taon ng isagawa ang wedding proposal sa actress na si Jolina Marie Bautista Reyes sa tunay na buhay.
Bumuhos naman ng pagbati mula sa kasamahan sa showbiz matapos na mabalitaan ang pag-iisang dibdib ng dalawa.