-- Advertisements --

Ikinasal na ang dating child stars na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz ngayong araw sa Tagaytay City.

Noong October 2018 nang aminin ni Aguas na sila’y nasa relasyon ni Dela Cruz.

Unang nakilala ang dalawa sa children TV comedy series na “Goin’ Bulilit.”

“Walking towards my God-sent, my Love, and my forever,” saad ni Dela Cruz sa kaniyang Instagram post.

Inulan naman ng congratulatory post ang dalawa mula sa iba pang celebrities.

“I love you soooooo much beautiful bride,” sabi ng kapatid ni Mika na si Angelika Dela Cruz.

Nagpaabot din ng pagbati ang kasamahan nila noon sa Goin Bulilit na si Sharlene San Pedro.