Kaagad na naglabas ng reaksyon si dating Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon matapos na ibasura ng Office of the Ombudsman ang kanyang inihaing motion for reconsideration para sa reklamong graft laban sa kanya.
Kung maaalala, naglabas ng desisyon ang anti-graft body kung saan pinakakasuhan nito ang dating opisyal ng kasong graft matapos na makitaan ng sapat na batayan ang reklamong inihain dito.
Ang naturang kaso ay may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos na i disclosed ni Guanzon ang umano’y confidential information na may kinalaman sa disqualification case ng noo’y presidential candidate na si Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Guanzon sa kanyang post online na ipinagtanggol lamang niya ang COMELEC bilang institusyon.
Ito aniya ay upang hindi babuyin ng mga pulitoko at commissioner na kasabwat ang naturang poll body.
Aniya, hindi dapat siya ang may kasong graft.