-- Advertisements --

DAVAO CITY – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dating mambabatas na si Mylene Garcia-Albano bilang bagong Philipppine envoy to Japan.

Mismong si Pangulong Marcos ang nag-administer ng oath of office ni Garcia-Albano bilang Philippine Ambassador to Japan sa Reception Hall ng MalacaƱang Palace noong araw ng Huwebes.

Maliban kay Garcia-Albano, pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang oath-taking ni Aileen Anunciacion Zosa bilang presidente at chief executive officer ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at ni Olivia “Bong” Coo bilang commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).

Kung maalala, si Garcia-Albano ay dating representative ng Davao City 2nd District.