Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si dating Department of Agrarian Reform Undersecretary Narciso Nieto sa dalawang counts ng graft at dalawang counts ng malversation of public funds na inihain laban sa kanya ng Office of the Ombudsman apat na taon na ang nakararaan.
Ayon sa anti graft court, walang matibay na ebidensyang ipinakita ang prosekusyon para patunayang guilty ang dating opisyal.
Nabanggit rin sa desisyon na hindi nagdulot ng anumang pinsala sa gobyerno si Nieto bagamat may pera na nawala sa gobyerno ngunit ibang taon ang nakinabang dito.
Sinabi rin ng Sandiganbayan na bagamat si Nieto ay nakapirma sa ilang mga dokumento ay nananatili pa rin itong walang posisyon para suriin ang mga transaksyon na isinumite.
Lumabas rin sa trial records na ang P20 milyon ay mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating senador Gregorio Honasan II.