-- Advertisements --
Kinumpirma ng Korte Suprema na naghain si dating Office of the Vice President OVP spokesperson Atty. Michael Poa ng kaniyang entry of appearance bilang co-counsel ni Vice Pres. Sara Duterte.
May kaugnayan ito sa petisyon ng bise presidente laban sa kinakaharap na impeachment case sa Kongreso.
Matatandaang nagsumite ang pangalawang pangulo ng petition for certiorari and prohibition sa korte upang mapigilan ang Senado at Kamara na magpatuloy sa paglilitis sa kaniya, kaugnay ng ikaapat na impeachment complaint mula sa lower House.
Inaasahang magsasagawa ng oral argument sa kaso ang kataas-taasang hukuman.
Hangad naman ng magkabilang panig na agad makapaglabas ng desisyon ang korte ukol sa petisyon ng pangawalang pangulo.