-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng dating De La Salle Lady Spiker Mika Esperanza ang pagiging isa na niyang doctor.

Isa kasi siya sa mga matagumpay na nakapasa sa Physician Licensure exam.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng listahan ng mga matagumpay na nakapasa kung saan nandoon ang pangalan niya.

Pinasalamatan niya ang lahat ng mga tumulong para maabot niya kung ano ang mayroon ito ngayon.

Naging bahagi si Esperanza sa DLSU champion team na nagwagi sa UAAP Season 78 women’s volleyball.

Nagtapos ito ng kursong medicine sa East Ramon Magsaysay (UERM) bago nag-exam ng board exams noong Oktubre 30.