Nakahandang magsalita si Dating Davao Prison and Penal Farm (DPPF) Supt. Gerardo Padilla sa mga miyembrong mambabatas ng House Quad Committee sa pamamagitan isang executive session.
Ito ang binigyang diin ni Padilla sa sulat na ipinadala nito sa naturang lupon.
Ayon kay Padilla, may mga sensitibo kasing mga impormasyon na hindi maaaring maihayag sa publiko.
Layon rin ng liham na mailipat siya ng detention facility.
Kung maaalala, na contempt si Padilla sa Camp Bagong Diwa Bicutan Taguig City ng 30 araw matapos itong tumangging magsalita sa ginanap na ikatlong pagdinig ng House Quad Committee.
Si Padilla ay sinabing may partisipasyon sa pagpatay sa tatlong Chinese National Drug Lord noong 2016 sa Davao Prison.
Una nang lumantad sa pagdinig si Fernando Magdadaro at Leopoldo Tan Jr. bilang testigo sa umano’y extrajudicial killings ng dating administrasyong Duterte sa panahon ng War on Drugs.
Inamin ng dalawa ang pagpatay sa tatlong Chinese National.
Ayon kay Magdadaro at Tan Jr. , matapos nilang isagawa ang krimen, tumawag umano si dating RRD kay Padilla upang batiin sa matagumpay na pagpatay.
Giit nito , si Duterte ang tumawag sa telepono ni Padilla dahil kilala nila ang boses ng dating pangulo .