-- Advertisements --

Inilarawan ni Vice President Sara Duterte si dating Education Usec. Gloria Mercado bilang isang ”disgruntled former employee”.

Ayon kay VP Sara, papatalsikin na sana nila si Mercado dahil sa kawalan ng tiwala at kumpyansa sa kanya.

Aniya, nadiskubre ng kanilang ahensya na nag-solicite umano si Mercado ng P16M pesos sa isang kumpanya gamit ang kanyang pangalan bilang noo’y DepEd Secretary.

Paliwanag ni Duterte, walang basbas mula sa kanya ang ginawang hakbang ni Mercado.

Hindi naman direktang sinagot ni Duterte ang umano’y envelope ng pera na natatanggap ni Mercado mula sa kanyang opisina.