Masayang ibinahagi ni Senator Christopher “Bong” Go ngayong Sabado na nakalabas na ng ospital si dating Executive Secretary Salvador Medialdea na ilang araw ding na-confine sa hospital sa The Hague, Netherlands.
Successful umano ang naging medical heart procedure na ginawa kay Atty. Medialdea, ngunit kailangan muna niyang manatili doon ng anim na linggo dahil hindi pa siya pwedeng bumyahe.
Nagpapasalamat rin siya sa mga kababayan nating nagdasal at patuloy na nagdarasal para sa kalusugan ng dating executive secretary.
Kasabay nito, patuloy na nanawagan si Sen. Go na ipanalangin ang kaligtasan, kalusugan, at kalayaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa ICC detention facility dahil sa kinakaharap na kasong crimes against humanity.
Inaasahan ang proceedings sa darating na buwan ng Setyembre 2025.