Mariing itinanggi ni dating Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na ipinag-utos niya ang pagpapatigil ng operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong 2012 laban sa mga high-profile na personalidad na nauugnay sa ilegal na droga.
Ang alegasyon laban kay Ochoa ay naunang ginawa ni dating PDEA agent Jonathan Morales, na pumirma umano sa nag-leak na pre-operational documents ng PDEA na may petsang Marso 11, 2012.
Sa ikaapat na pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, Sinabi ni Ochoa na hindi niya kilala si dating PDEA deputy director general Carlos Gadapan, kung saan siya umano ay nagbigay ng utos.
Hindi naman itinanggi ni Ochoa na kasosyo niya sa law firms ang pamilya Marcos at sinabing umalis na siya sa law firms matapos siyang italaga ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bilang Executive Secretary.
Samantala, sumagot din si Ochoa ng “no” nang tanungin ni dela Rosa kung nakita niya ang umano’y nag-leak na mga dokumento ng PDEA.
Tungkol naman sa alegasyon na inutusan niya si Gadapan at ang PDEA na itigil ang operasyon laban sa aktres na si Maricel Soriano at ngayon ay Pangulong Marcos Jr., muling iginiit ni Ochoa na hindi niya kilala si Morales.
Magugunitang isa si Ochoa sa mga idinadawit ni dating PDEA agent Morales sa iligal na droga.