-- Advertisements --
IMG baac2464ee0950f3ea80faa82e243c32 V

CAUAYAN CITY – Naniniwala si dating executive judge ng Manila RTC na si Atty. Ralph Lantion na magsisilbing halimbawa ng maayos na pangangasiwa ng sistema ng batas sa bansa ang isinagawang promulgation ng Maguindanao massacre case.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Lantion, sinabi niya ang naging hatol na guilty sa mga pangunahing suspek ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng RTC branch 221 ay patunay na mayroong hustisya para sa mga biktima.

Kabilang sa nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sina dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, mga kasama, ang ilan pang miyembro ng pamilya Ampatuan at ilang pulis.

Bagamat aminado siya na hindi sapat ang reclusion perpetua o hanggang 40 taon na pagkakakulong para sa mga akusado sa karumal dumal na krimen, naniniwala pa rin siya na magsisilbi itong patunay na umiiral pa rin ang hustisya sa bansa.