Napatunayang guilty ng korte suprema sa Spain si dating Royal Spanish Football Federation (RFEF) chief Luis Rubiales.
Ito ay may kaugnayan sa reklamong sexual assault ng bigla niyang halikan si Women’s World Cup winner Jennifer Hermoso.
Nangyari ang insidente sa awarding ceremony matapos magkampeon ang Spain sa Women’s FIFA noong 2023.
Pinagbabayad din siya ng korte ng aabot sa $11,270 o $21 kada araw sa loob ng 18-buwan.
Mayroon din ng dagdag na $3,130 multa ito bilang compensation kay Hermoso dahil sa ‘moral damage’.
Kasama rin itong pinagbawalan na makalapit kay Hermoso ng hanggang 200 meter radius.
Nakaiwas naman ito ng makulong matapos na mabasura ang kasong coersion laban sa 47-anyos na si Rubiales.
Ikinatuwa naman ng 34-anyos na si Hermoso ang naging desisyon dahil sa hindi naging tama ang ginawa ng kanilang boss kahit na ito ay nadala sa saya.