Bukas ang dating Gilas player na si Andray Blatche sa posibilidad na makapagsilbi bilang coach ng pambansang koponan.
Pinagpaplanuhan niya na kasi ang magiging takbo ng kanyang basketball career sa kanyang nalalapit ng pagreretiro.
Ayon sa kanya, malugod niyang tatanggapin ang pagkakataon sakaling mabigyan man siya ng oportunidad na makibahagi sa Gilas Pilipinas program.
Maalala na si Blatche ay tumulong at nag-ambag din sa koponan ng bansa matapos niyang maglaro bilang naturalized player noong 2014 hanggang 2019.
Kaya naman lubos na nagpapasalamat ang dating Gilas player lalo na sa kanyang mga nakasama maglaro, at sinabi pang itinuturing niyang ikalawang tahanan ang Pilipinas.
Bago magpaalam sa kanyang paglalaro, makikita siyang muli ngayong taon sa koponan ng Strong Group Athletics para sa Dubai International Basketball Championship.
Posibleng dito na huling makikita na maglaro ang naturang basketball player bago ang kanyang napipintong pagreretiro sa larangan ng professional basketball.