Laoag City – Usap-usapan sa buong lalawigan ng Ilocos Norte ang pagpila Ng Certificate of Candidacy (COC) ni dating House majority leader Rodolfo “Rudy” Farinas sa pagka-gobernador sa pamamagitan Ng pagsubstitute nito sa nagngangalan ng Al Tecson.
Nagtungo ang pamilya Farinas sa Comelec, ilang linuto lamang Bago isinara ang withdrawal at substitution kahapon.
Kasama Ng dating house majority leader ang kanyang mga anak kasama na rito Si Congresswoman Ria Farinas.
Dahil dito, makakalaban ni dating House majority leader Farinas Si incumbent Matthew Marcos-Manotoc na anak ni senador Imee Marcos.
Makakatunggali din ni Congresswoman Ria Farinas Si Sandro Marcos na anak ni dating senador at presidential candidate Bingbing Marcos.
Marami ang naniniwala na magiging mahigpit ang labanan Ng dalawang kilalang pamilya sa lalawigan.
Maalala na noong 2019 elections ay nagpila Si dating House majority leader Farinas Ng COC sa pagka-gobernador at makakalaban Sana niya Si Manotoc pero nagwithdraw din Ito.