DAVAO CITY – Nagpositibo sa COVID 19 si dating House Speaker at ngayon Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez.
Ito mismo ang kinumpirma ng kanyang anak na si Finance Assistant secretary Paola Alvarez.
Sa kanyang maikling mensahe, kinumpirma ng nakababatang Alvarez na dinapuan ng virus ang kanyang ama pero stable umano ang kondisyon nito at hindi nakakaranas ng kahit anong seryosong health condition.
Sa ngayon nagpapagaling na ang naturang 63 anyos na mambabatas.
Posibling nakuha umano ni Alvarez ang virus sa mga pagbisita nito sa ibat-ibat mga proyekto ng kanilang probensiya na hindi nagsusuot ng facemask.
Base sa pinaka-uhing datus ng DOH Davao Region, ang Davao del Norte ang may pinakamaraming bagong kaso ng covid 19 na umabot ng 47.