LAOAG CITY – Inihalintulad ni Atty. Domingo Cayosa, dating presidente ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa death penalty ang disbarment ni newly appointed Presidential Adviser for Poverty Alleviation Lorenzo “Larry” Gadon.
Ito ay matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema tungkol sa disbarment ni Gadon kung saan 15-0 ang boto.
Ayon kay Cayosa, malaking kahihiyan hindi lamang para kay Gadon lalo’t tinitingala ng mga tao ang abogasya, dagdag pa ang hirap sa pagiging abogado.
Hinggil dito, sinabi ni Cayosa na maganda rin na naglabas na ng desisyon ang Korte Suprema para mapanatili ang high standar ng legal prefession.
Ang problema aniya kay Gadon ay inulit pa rin niya ang mga hindi magadang gawain ng isang abogado kahit may warning na sa kanya na mas mabigat ang haharapin nito.
Maliit rin umano ang tsansa ni Gadon kahit magsampa ng Motion for Reconsideration lalo na kung walang maipapakitang bagong argumento o ebidensya na hindi naikonsidera noong dinidinig ang kaso.