-- Advertisements --

Naghain na ng kandidatura si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson.

Maagang nagtungo si Singson sa filing area ng Comelec sa Tent City sa lungsod ng Maynila.

Pangunahing adbokasiya umano niya ang pagtulong sa mga nasa sektor ng transportasyon.

Ito aniya ay nasimulan na niya kahit noong nasa local post pa lamang siya.

Maliban sa pagiging politiko, isa ring negosyante si Singson na gumagawa ng mga sasakyan.

Huli siyang nanilbihan bilang alkalde ng Narvacan, Ilocos Sur mula 2019 hanggang 2022.