Dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, hinihintay pa ang tugon ng pamilya Yulo sa kaniyang alok na P5 million
Loops: Ilocos Sur Gov Singson, Yulo family
Hanggang sa ngayon ay hinihintay pa rin ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ang tugon ng pamilya ni Olympic double gold medalist Carlos Yulo sa kanyang alok na limang milyong piso.
Maalalang nitong nakalipas na lingo ay nag-alok si Singson ng P5 million para sa pamilya Yulo.
Sa naging exclusive interview ng Bombo Radyo Phils sa dating Gobernador, ipinaliwanag nitong ang kanyang alok ay upang magka-ayos ang pamilya Yulo, sa likod ng kanilang tampuhan at hindi pagkakaunawaan.
Pero ayon kay Singson, hindi pa riya nakakatanggap ng anumang response o tugon mula kay Carlos.
Maalalang kasabay ng pagkapanalo ni Carlos ng dalawang gintong medalya sa nakalipas na Olympics ay naging usap-usapan din ang lumalalang hidwaan sa pagitan ng pamilya.
Pero iginiit ni Singson na kailangang magkabati na ang mga magkakapamilya dahil sa ang pamilya pa rin aniya ang pinaka-importante sa lahat.
AV – Balikan natin ang naging panayam ng Bombo kay Singson.
Samantala, muli ding hinamon ni Singson si Carlos.
Ayon sa dating gobernador, dapat ay ipakita niyang isa siyang role model at kayang pagsamahin ang kanyang pamilya.