-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating Indian prime minister Manmohan Singh sa edad na 92.
Si Singh ang itinuturing na pinakamatagal na nagsilbing prime minister mula 2004 hanggang 2014.
Bago maging prime minister ay naging finance minister muna siya.
Itinuturing na siya ang naging architect at naging susi para sa economic reforms.
Ilang linggo ito ng naka-confine sa pagamutan sa Delhi bago tuluyang bumagsak ang kaniyang kalusugan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Prime Minister Narendra Modi sa pagpanaw ni Singh.