-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamilya ni dating Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) chief Victor Corpus ang pagpanaw nito ngayong araw sa edad na 79.

Ayon kay Jennies Cruz, pamangkin ni Corpus, hiling nilang ang panalangin habang dumaraan sa pagluluksa ang kanilang pamilya.

Si Corpus, na nagsilbi bilang hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) noong mga unang taon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ang dating ISAFP chief ay nakilala dahil sa pagsali nito at kalaunan ay pagtalikod sa Communist Party of the Philippines, tatlong taon lamang iyon matapos siyang magtapos sa Philippine Military Academy noong 1967.

Umalis siya sa kilusang komunista noong 1976 at nanatili sa isang kulungan ng militar hanggang sa kanyang paglaya matapos ang pagpapatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng 1986 People Power Revolution.

Binigyan siya ng clemency ng noo’y naging pangulo na si Corazon Aquino, at ibinalik sa AFP noong 1987.