Patay ang Utah Jazz legend na si Mark Eaton matapos na maaksidente habang nagbibisikleta.
Base sa imbestigasyon natagpuan ng mga kapulisan na nakahandusay sa gilid ng kalsada ang 64-anyos na dating basketbolista.
Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na nagtagal at ito ay namatay din.
Labis naman na nalungkot ang Jazz sa pagpanaw ng kanilang dating center.
Apat na beses itong nanguna sa may pinakamaraming blocks sa kada laro na mayroong average na 5.6 blocks.
Nagtatrabaho noon bilang mekaniko ng sasakyan noong 1977 hanggang makita ito ng community college basketball coach at hinikayat na mag-enroll sa college at mula noon ay naging manlalaro na UCLA.
Mayroong 11 playing season ang 7-foot-4 na siyang pangatlo sa kasaysayan ng Jazz na sumunod kina Karl Malone at John Stockton.
Ang numero itong 53 ay siyang unang jersey na niretiro ng Jazz.
Naging Defensive Player of the Year si Eaton mula 1984-85 at 1988-89.
Siya rin ang tumayong mentor ni Jazz center Rudy Gobert na isa sa manlalaro ng Jazz na nagwagi bilang Defensive Player of the Year.