-- Advertisements --
Sumuko sa mga otoridad ang kaalyado ni dating US President Donald Trump na si Steve Bannon.
Nahaharap kasi sa contempt of Congress si Bannon matapos na magmatigas na magbigay ng ebidensiya sa nangyaring riot sa capitol.
Makailang beses na hindi pinansin ni Bannon ang summons ng US Congress para magtestigo kung ano ang nalalaman nito sa protesta ng mga supporters ni Trump noong Enero 6.
Noong nakaraang Biyernes ay pormal na sinampahan ng justice department ang dating White House strategist.
Mahaharap na ito ngayon sa isang taon na pagkakakulong at multa na $100,000.
Boluntaryong sumuko ang 67-anyos na si Bannon sa mga opisyal ng FBI sa Washington.