-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patuloy ang ginagawang rehabilitasyon sa 15 container vans sa Brgy. Candahug Palo, Leyte na nakatakdang gawing quarantine facility para sa mga Persons Under Monitoring (PUMs) na galing Manila o mga lugar na may kaso ng COVID-19 na uwuwi sa Eastern Visayas

Ang naturang mga container vans ay dati na ring ginamit bilang Korean military camp matapos ang pagtama ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Lt. Col. Ricnon Carolasan, commanding officer ng 546 Engineer Construction Battalion, aabot hanggang 30 PUMs ang pwedeng mamalagi sa mga container vans.

Kumpleto umano ito sa ventilation, comfort rooms, para maging komportable ang mga PUMs at mabigyan sila ng magandang akomodasyon habang sumasailalim sa quarantine.