CENTRAL MINDANAO- Hinatulang guilty si dating North Cotabato 2nd district Congressman at Vice Governor Gregorio Ipong sa kasong graft and malversation.
Ito ay dahil sa maling paggamit ng kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong siya pa ay isang kongresista.
Kasama ring hinatulang guilty sina Dennis Cunanan at Marivic Jover, mga dating opisyales ng Technology and Livelihood Resource Center.
Akusado rin si Alfredo Ronquillo na sumakabilang buhay na.
Sa hatol Sandiganbayan Anti Graft Court napatunayan nito na hindi tama ang paggamit ng mga nabanggit na mga personahe ng pork barrel funds na nagkakahalaga ng P9.6-milyon.
Nagsabwatan sina Ipong at iba pang mga opisyal upang gamitin ang pondo sa isang ghost project kung saan dinaan ang pondo nito sa pamamagitan ng non-government organization (NGO) na Aaron Foundation Inc.
Dahil dito, nahatulan sina Ipong, Cunanan at Jover ng 28-taon na pagkakabilanggo at magbabayad ng P9.6-milyon.