-- Advertisements --

Patay matapos pagbabarilin ang dating mambabatas sa India na si Atiq Ahmed.

Naganap ng dadalhin sana ito sa medical check-up ng mga kapulisan na inaresto siya dahil sa kasong kidnapping.

Kasamang nasawi ang kapatid nitong si Ashraf Ahmed habang naaresto ang mga tatlong suspek.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagpanggap bilang mga journalist ang mga suspek at doon pinagbabaril ang biktima.

Nakuhanan pa ng live sa telebisyon sa buong India ang pamamaril sa dating mambabatas.

Tatlong suspek ang kanilang naaresto matapos ang insidente.

Dahil sa pangyayari ay pinagbawalan na ng Uttar Pradesh government ang mga pagtitipon habang ipinag-utos ni Prime Minister Narendra Modi ang malalimang imbestigasyon.