Arestado ang dating alkalde, konsehal at barangay chairman sa Tupada sa Alitagtag, Batangas sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit.
Kasama sa mga nahuli ay sina Municipal Councilor Jerome Garcia, Kapitan Antonio Chavez ng Barangay Dominador East, Alitagtag at dating Vice Mayor Manuel Gutierrez.
Narekober sa kanilang posisyon ang 12 panabong, 36 na tari at P29,560 halaga na pusta.
Nahaharap sa kasong illegal cockfighting at paglabag sa RA 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act ang mga nahuling indibiwal.
Pinaalalahanan naman ni Batangas police provincial director Col. Rex Arvin Malimban ang publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na batas, manatili sa bahay at huwag magpasaway lalo na ngayong may pandemyang kinakaharap ang bansa.