-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay ang dating Brgy Kapitan at Mayoralty candidate ng isang bayan sa Maguindanao sa pamamaril sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Abdulbasit Macmod Taguigaya at residente ng Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office na habang namimili ng ukay-ukay na damit ang biktima sa loob ng Fiesta Mall sa Brgy Rosary Heights 10 ng siyudad ay bigla itong nilapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Naisugod pa ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo na maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Ang biktima ay dating Brgy Kapitan at Mayoralty Candidate sa Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Kinumpirma din ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu na kasama sana si Taguigaya sa promulgasyon ng Ampatuan Massacre at katunayan ay na-ibili nya ito ng plane-ticket papuntang Maynila.

“The victim was our mayoralty Candidate last May 2019 midterm Elections in Shariff Saydona Mustapha Municipality”.

“He is scheduled to join me in the promulgation of the final verdict of Maguindanao Massacre”Infact, l already provided his ticket for Manila”ani mangudadatu.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaslang sa biktima.