-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival sa pagamutan ang isang negosyante at dating Mayoralty Candidate sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Marvin Marcinni Repato Prado,45 anyos,may asawa,may-ari at Manager ng Mindanao Institute of Science and Technology Matalam Campus at residente ng Purok Bromelliad Barangay Poblacion Matalam Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na lulan ang biktima sa kanyang minamanehong Mitsubishi Gallant sa bahagi ng Purok Duranta MH Del Pilar Street Barangay Poblacion Matalam Cotabato nang dikitan ito ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungong national highway sa bayan ng Matalam.

Agad dinala ng mga nagrespondeng pulis ang biktima sa Matalam Midway Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa tatlong tama ng bala sa kanyang katawan.

Ang biktima ay dating tumakbong alkalde sa bayan ng Matalam sa nakalipas na eleksyon ngunit hindi pinalad at ngayon ay incumbent Barangay Kagawad ng Brgy poblacion Matalam.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam MPS sa pamamaril patay sa biktima.