-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pamamaril patay sa isang dating mediaman sa Purok Santa Cruz, Barangay Dadiangas West dito sa lungsod ng Heneral Santos.

Ayon ka Police Major Renato Dungca Jr., ang Chief of Police ng Pendatun Police Station kinilala ang biktima na si Manuel “Maning” Malinao 73 taong gulang at nanirahan sa nasabing lugar.

Ibinunyag nito na personal grudge hinggil sa land conflict ang nakikitang motibo sa pamamaril.

Ayon sa opisyal, base sa kanilang nakuhang impormasyon, ilang beses na umanong ipinatawag sa Barangay ang biktima kaugnay sa awayan ng lupa.

Dead on the spot ang biktima na isang dati ring government worker matapos binaril ng hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo kaninang umaga.

Nagtamo ito ng mga sugat sa kanyang ulo at katawan na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.