-- Advertisements --

LAOAG CITY – Boluntaryong sumuko sa 2nd Provincial Mobile Force Company at PNP-Dingras ang isang babai na dating miembro ng Communist Terrorist Group.

Ito ang ipinaalam ni PMaj. Jephre Taccad, at tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Provincial Office.

Ayon kay Taccad, dahil sa mahirap na sitwasyon ng dating rebelde sa kabundukan ay pinili nitong magbalik loob sa gobierno kasama ang kanyang baril.

Sinabi ni Taccad na ang dating rebelde ay nagsilbing messenger ng teroristang grupo.

Kaugnay nito, nanawagan si Taccad sa mga nananatili sa rebeldeng grupo n huwag matakot magbalik loob sa gobierno dahil maraming naghihintay na oportunidad at tulong sa mga ito.