-- Advertisements --

Proud na isinuot ni Ms. Universe 2018, Catriona Gray ang kanyang damit na gawa sa plastic.

Sa kanyang paliwanag sinabi ni Cat na “environment – friendly dress” ang gusto niyang isuot sa nasabing event.

Ang recycled dress ay gawa sa polyurethane plastic bottles na ginawang hugis rosas upang mabuo ang suot ng beauty queen.

Dagdag pa ni Gray, isang karangalan daw ang maipakita ang talento at creativity ng mga Pilipino.

Kasama din niyang dumalo ang iba pang beauty queens na sinaa Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss International 2016 Kylie Verzosa at Miss World 2013 Megan Young sa event.

Top