ROXAS CITY – Kumpirmado na dating miyembro ng Thai Police ang itinuturong suspek na si Panya Khamrab sa naganap na mass shooting, kung sa saan ikinamatay ng 33 na mga indibidwal kasama na ang 23 na mga kabataan sa children’s day-care center sa Nong Bua Lam Phu province sa Thailand.
Ba-se sa report, dismissed na sa serbisyo ang nasabing suspek dahil sa paggamit ng ‘di umano’y iligal na droga.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo kay Bombo International Correspondent Cleo Rose Jondonero, direkta sa Thailand, sinabi nito na posibleng pumasok ang armadong suspek sa day care center ilang oras matapos ang tanghalian ng mga guro at estudyante at walang-awa na pinagbabaril ng suspek.
pagkatapos nito, umuwi pa sa kanilang bahay ang suspek, at doon pinagbabaril din ang kanyang asawa’t anak, bago ito nagpakamatay.
Sa ngayon, wala pang tinitignan na motibo ang mga otoridad sa pamamaril.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan natuhoy sa krimen.