-- Advertisements --

Magsisilbing bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni presumptive President “Bongbong” Marcos Jr., tinanggap naman ni Abalos ang alok para sa nasabing posisyon.

Nabatid na si Abalos ang campaign manager ng UniTeam na kinabibilangan ni Marcos at ka-tandem na si presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio.