-- Advertisements --
Pinayagan nang tumanggap ng mga bisita ang dating modelo na si Deniece Cornejo.
Ito ay ilang araw matapos siyang maibilanggo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Matatandaang nahatulan si Cornejo ng reclusion perpetua o 40 taon na pagkakakulong matapos siyang ideklarang guilty sa serious illegal detention for ransom na inihain ng TV host na si Ferdinand Hipolito Navarro o Vhong Navarro.
Maaaring dalawin si Cornejo ng mga bisita a Reception and Diagnostic Center (RDC) kung saan siya ay nakakulong sa loob ng 60 araw.
Sa ngayon, nakabilanggo na rin ang iba pang co-accused ni Deniece na pawang mga kalalakihan kaya nakapiit naman sila sa New Bilibid Prisons.