LAOAG CITY – Patay ang dating Municipal Councilor at re-elected Barangay Captain sa Barangay Ferdinand sa bayan ng Marcos na si Helen Abrigado matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.
Ayon Police Major Jonavale Maramag, ang chief of police ng Philippine National Police – Marcos, katatapos lamang ng lantern parade sa kanilang bayan nang mangyari ang pamamaril kung saan ang biktima a nakasakay sa Mitsubishi L300 FB na pagmamay-ari ng Barangay Ferdinand at minaneho ni Brgy. Kagawad Carlo Bagaoisa.
Sinabi nito na habang nasa tabi ng ilog ang biktima sa Brgy. Tabucbuc sa nasabi ring bayan ay nakarinig ang mag ito ng putok ng baril.
Matapos lamang nito ay tumabi ang mga suspek na nakasakay ng motorsiklo sa sasakyan ng biktima at dito na pinagbabaril.
Dahil dito at nagtamo ng mga tama ng baril sa kanang bahagi ng katawan ng kapitana at agad na itinakbo ni Kag. Bagaoisan ang biktima sa Doña Josefa District Hospital ngunit inilipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac ngunit namatay rin matapos ang ilang oras.
Hinggil dito, sinabi ni Mr. Gregorio Passion, ang Family Driver ng pamilya ng biktima na matapos ang pamamaril sa punong barangay ay hinabol niya ang mga suspek na nagtungo sa timog-silangang direksyon ngunit nabigo ito.
Sinabi nito na tatlong beses pinagbabaril ng mga suspek ang biktima kung saan tumama sa kamay nito at inakalang daplis lamang pero natuklasan na tumagos ang bala nito sa katawan.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Philippine National Police matapos ang pamamaril at para makilala ang suspek at kung ano ang motibo nito.