-- Advertisements --

Nahatulang guilty ng Sandiganbayan ang dating opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na si Deputy Administrator Virgilio Ponciano Ocaya sa kasong graft dahil sa pagtanggap ng doble sa kaniyang sahod mula sa gobyerno noong taong 2003.

Nasentensiyahan si Ocaya ng pagkakakulong mula 6 hanggang 8 taon at naatasang ibalik sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang nakuhang P129,600 na kaniyang double compensation mula Enero hanggang Hunyo 2003.

Si Ocaya ay naitalagang MWSS deputing administrator ng administration and legal noong August 11, 2000 at naterminate noong November 2, 2001.

Naitalaga ito sa PCGG mula September 2 hanggang December 31, 2002 bilang full time legal counsel.

Muli siyang naibalik sa kaniyang dating posisyon sa MWSS noong January 2003. Ang kaniyang posisyon sa PCGG ay pinalawig pa mula Januray 1 hanggang June 30, 2003 sublait muli nanaman itong naterminate ng MWSS dahil sa isyu pa rin ng double compensation.

Sa naging hatol ng korte, sinabi nitong ipinagbabawal sa konstitusyon at batas ang dual employment at double compensation at ang natanggap na sahod ni Ocaya mula sa PCGG ay hindi awtorisado o walang justification.