-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng karagdagang apat na taon ang pinatalsik na lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
Ang kaso ay ukol sa iligal possession at ang pag-import ng walkie-talkies ganun din ang paglabag sa panuntunang ipinapatupad na COVID-19.
Unang nahatulan si Suu Kyi noong Disyembre at napagbigyang mabawasan ang hatol ng dalawang taon.
Mula pa kasi noong Pebrero 2021 ay nakakulong na siya ng agawin ng militar ang kontrol ng gobyerno sa Myanmar.
Maraming bansa rin ang nagkondina sa pagdinig ng kaso na sinasabing hindi patas ang pagdinig.