-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni dating National Security Adviser at kasalukuyang chief adviser ng House Speaker na si Prof. Clarita Carlos si Department of Tourism Secretary Christina Frasco laban sa mga natatangap nitong batikos.

Kung maaalala, nagkaroon ng isyu ang promotrional video ng Department of Tourism matapos umanong gumanit ang contractor nito ng isang stock video na kinunan pa sa ibang bansa.

Sa isang pahayag , sinabi ni Carlos na sa anim na buwan nitong panunungkulan bilang National Security Adviser nakita niya ang dedikasyon ni Fracso sa kanyang trabaho.

Masasabi rin aniya nito na si Frasco ang nangunguna sa pagiging innovative at hardworking sa lahat ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nanawagan rin ito sa mga bumabatikos kay Fracso na mas mainam na alamin muna nila ang buong kwento bago magbigay ng komento. at parusahan ang mga nagkulang at maging aral na rin aniya sa lahat ang nangyaring insidente.